Club Events · Events

The Winning Essay : Ligtas na Bayan, Maunlad na Pamayanan

Ligtas na Bayan, Maunlad na Pamayanan

By: Hannah Joy G. Pelonia

Sta. Rosa Science & Technology High School

Grade 7- Copernicus

Ano ba ang sakuna? Ano ang iba’t ibang klase ng sakuna? Paano makakapaghanda ang kabataang kagaya naming sa oras ng sakuna?  Iyan ang ilan sa mga tanong na naiisip ng mga kabataan kapag narinig ang salitang sakuna.

Ako bilang isang mag-aaral ng Sci-Tech ay mayroon ding nalalaman tungkol dito. Sakuna ay isang hindi inaasahang pangyayari. May dalawang klase nito. Ang una ay “natural disaster” o mga sakunang gawa ng Inang Kalikasan. Halimbawa nito ay pagguho ng lupa o sa ingles ay “earthquake” .  Ito ay nangyayari sa paggalaw ng “technonic plates” sa lupa. Nagdudulot ito ng pagkasira ng iba’t ibang imprastraktura at pananim o kaya naman ay nagdudulot din ito ng kamatayan sa mga taong tulad natin. Isa pang klase ng sakuna ay ang “man-made disaster” o gawa ng tao.  Isa sa “man-made disaster” ay ang pagbaha dahil sa pagpuputol ng puno at kung saan-saan na pagtatapon ng basura.  Ang pagbaha ay isang nakakatakot na pangyayari lalo na ang pagbaha sa Aplya at Sinalhan. Sinasabing umabot sa tao o lampas tao ang baha duon. Ngunit ang mga sakunang ito ay mapaghahandaan o maaring iwasan.  Mayroong National Disaster Risk Reduction Management Council na pinangungunahan ni Roberto Gasmin na handang tumulong sa kahit anong sakuna. Andyan din si Mayor Arcillas na handang tumulong sa mga nabiktima ng nasabing sakuna. Subalit bilang kabataan ay mayroon din tayong dapat gawin sa abot n gating makakaya. Maari tayong makapaghanda sa nalalapit na sakuna. Gaya ng paghanda o pagkakaroon ng emergency kit sa ating kani-kaniyang bahay. Maari rin nating i-apply” ang natutunan natin sa paaralan tuwing nagkakaroon ng mga “drill”.

Tuwing “earthquake drill” ay may tatlong bagay na lagging pinagagawa sa atin, ito ay duck, cover, and hold.  Maari natin itong magamit sa tuwing magkakaroon ng sakuna at nasa loob ng isang gusali.  Dapat  ay lagi ring nakaayos ang ating mga gamit at alam kung saan ito nakalagay para kapag dumating ang di inaasahang pangyayari ay handa na tayo at alam kung ano ang dapat dalhin .  Kung nasa paaralan naman ay dapat alam natin ang “fire exit” o kung anu-anong pasikot-sikot sa paaralan.  Tuwing “earthquake “ o sa oras nito ay dapat hindi mataranta sa halip ay kumalma at gawin ang mga nakasaad sa itaas. Umiwas rin sa malalaking gusali  pagkatapos ng pagguho dahil maaring magkaroon ng “aftershock” na magiging sanhi ng pagkamatay.  Handa rin naming tumulong ang pamayanan sa mga ganitong pangyayari.

Hindi sa lahat ng oras ay ang gobyerno ang laging kikilos. Kailangan rin bilang isang mamamayan ay marunong tayong maghanda o umintindi na ganitong pangyayari .  Disiplina ay dapat taglay ng isang mamamayan. Marunong sumunod at higit sa lahat ay mayroon tayong alam sa pangyayari.  Magiging maunlad ang bayan kung ang mga mamamayan ay may disiplina at tumutulong sa gobyerno upang mapaunlad pa ang bayan. Kaya nga sabi nila, kung may gagawin kang isang bagay, ay dapat ayusin mo ito upang sa huli ay hindi ka magsisisi.  Ligtas na Bayan para sa Maunlad na Bayan.

One thought on “The Winning Essay : Ligtas na Bayan, Maunlad na Pamayanan

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s